Friday, September 4, 2009

Chapter 2

Chapter 2

Dahil sa takot ni argo na tuluyan mahulog ang loob sa isang taong ni hindi pa nya nakakasama at nakakausap ng personal, pinilit nya ang sarili na ituon ang atensyon sa ibang bagay lalo na sa trabaho. Ayaw nyang ang simpleng pagkagusto nya kay Nikko ay lumalim. Una, dahil ayaw nyang muling masaktan..ganyan mag-isip si argo, oo negatibo pero ayaw na ayaw nyang pinapaasa ang sarili sa mga bagay na alam nyang imposibleng mangyari.

Pero masasabi nga ba nya ang mga posibleng mangyari sa mga susunod pang araw?

"Hi argo! good morning".

"Hey Rob ikaw pala, out ka na?". tanong ni argo habang nakaupo sa smoking area's bench (though he's not a smoker).

"Yup,pero maya-maya nako uuwi. Tambay muna sandali, yosi muna..off ko naman tomorrow eh". sagot ni rob habang umuupo sa tabi ni argo.

Mabait,matangkad, magandang ngumiti, gwapo, at very discreet single bisexual male. Yan si Rob, isa sa mga matalik na kaibigan ni argo.

"So how are you? tagal na nating hindi nakakapag-kwentuhan ah. Nami-miss ko na yung mga patawa mo at syempre pa yung mga super high to the highest level mong notes, the fireworks coming out from your lungs when you're singing". patuloy pa ni rob habang nakatingin sa katabing si argo.

"Haha, ganun ba friend?..oo nga eh, nami-miss narin kita. Hindi narin ako masyadong kumakanta. Katamad kasi schedule ko eh, buti ka pa out na, ako til 9 am pa, eh 6 am pa lang ngayon, hay..". salaysay ni argo habang nakatingin sa kawalan.

"Ganun ba, don't worry konting oras na lang din naman eh. Hmmmm..kumusta na nga pala yung crush mo? yung coach na taga UniTel account? ano na nangyari?" Rob asked argo while lighting his cigarette.

Napailing naman na sumagot si Argo...

"Yun ba? wala na 'yon. Matagal ko nang kinalimutan 'yon, wala din namn kasing mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa eh".

"Pa'no mo naman nasabi? wala ka pa ngang ginagawa eh umaayaw ka na agad. Isipin mo na lang yung mga nasimulan mo, katulad nung palagi kang nao-OB (overbreak) kakahintay na mag-break din sya

No comments: