Thursday, September 3, 2009

UNTiTLED yet

Si Nikko ay isang call center supervisor. Lean, maputi, tama ang taas, may dimples, gwapo. Boyfriend ng isa sa mga agents nya, si Carly,maganda at matalino, top agent. Almost 3 years na rin ang relasyon nila, masasbing nalalampasan naman nila nag mga ups and downs, ang consequences na pinagdadaanan ng isang magkarelasyon hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pagkakataon na babago sa lahat ng ito..pagkakataong makikilala ni Nikko si Argoh na isa ding agent ngunit sa ibang account.

Madaldal,palatawa, enough reasons to describe a fun loving person na maraming lungkot na itinatago sa kanyang puso, a homosexual. Sa pagkanta na lang nya idinadaan ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman nya. Bukod sa ginagawa na lang nyang busy ang sarili sa trabaho lalo na nung unang beses syang nagmahal at nabigo. Binalot ng takot ang puso nya upang muling subukan ang umibig. Pakiramdam nya, lahat ng darating sa kanya at mamahalin nya ay lolokohin lang sya..paglalaruan sya.

Hanggang sa..


CHAPTER 1
(enter some text teasers)


"Grabe ah! queing na naman. Ang dami pang ambitious customers, wala naman benta!".
"Hahaha, ano ka ba Kat, okay lang yan. Ako nga din pakiramdam ko namamaga na lalamunan ko. Lunok na lang ng laway ang pahinga dahil queing nga, pero tiyaga lang talaga." pangungumbinsi pa ni Argo sa kaibigan habang pinupunasan ng panyo ang kanyang mukha.
"Hay naku marze buti na lang lunch break na, konting oras na lang ang titiisin, gusto ko na talaga umuwi".
"Yah right, konting oras na lang. Wait marze, doon nga tayo sa banda dun, sobrang mausok kasi dito eh". yaya pa ni Argo sa kaibigan.
"Natural, smoking area 'to eh. hahaha.o sige na dun na tayo sa banda dun, hindi ka nga pala kasi nagyoyosi kaya hindi ka maka-relate sa smokers at sa usok! hahah".
"Tse! 'lika na nga."
Agad na ngang naglakad ang magkaibigan palayo sa mga naninigarilyong agents sa labas ng building na karaniwang tanawin na sa mga call centers. Habang marahang naglalakd ay agad na mapapahinto si Argo dahil mapupukaw ng isang tao ang kanyang atensyon.
"O bakit marze?". tanong ni Kat na medyo nabigla.
"marze, ang cute nya.." nakangiti at tulalang sagot ni Argoh.
"Sino? Saan?" nagtatakang sagot ni Kat habang hinahanap sa paligid ang sinasabi ng kaibigan.
Agad namang itinuro ni Argoh ang kanyang tinutukoy.
"Siya..."at hindi parin naalis ang ngiti sa kanyang mukha.
"Yung agent ba na nakasandal ba sa pillar?yung naka fatigue na sweat shirt na nagyoyosi at...naglo-lollipop?"natatawang tanong ni Kat.
"Yes. Sya nga..wag mo ng pansinin yung lollipop. marze, ang cute nya noh?.." tila na-memesrize na tugon ni Argoh.
"Oo na cute na sya! kaya lang marze, di ko sya type..mukhang badet eh o kaya Bi".
"Sabagay may point ka dun, pero ok lang 'yon. ano kayang name nya?taga -saan kaya sya?" patuloy pa ni argoh.
"Aba malay ko marze, hindi naman nya nakwento sa'ken eh, hahahaha." pabirong sagot pa ni kat.
"Ikaw talaga puro ka naman kalokohan eh."
"Joke lang naman marze. Hmmm..ang dapat mo munang alamin eh kung taga- saang account ang agent na 'yan..then next eh yung name nya..tapos kung may GF at pag wala,ask mo sya kung may BF para malaman mo na din yung sexuality nya talaga 'di ba?". Mahabang eksplanasyon pa ni Kat.
"Ang talino mo talaga marze!, panalo ka talaga dun." ang masayang sagot ni argo ay biglang mapapalitan ng bakas ng tanong sa kanyang mukha.
"O bakit marze?" may pagtatakang tanong ni kat.
"Marze, pa'no nga kung may GF sya 'no?" may bakas ng panghihinayang na tanong ni argo.
"Oh, eh ano naman? teka nga, marze don't tell me nakakaramdam ka na ulit ng pagkagusto sa isang tao? akala ko ba kahit ang magka-crush eh ayaw mo na?".
Sasagutin lang sya ni argo ng isang malalim na buntong-hininga.
"Sabagay marze,hindi na masama yan. Maybe it's about time for you to give it all another try. Matagal ka na rin nakakulong sa sarili mo at hindi napapansin ang mga nasa paligid". paliwanag pa ni kat.
"Oh 'yan marze, tapos na silang magyosi nung kasama nya at papasok na ulit sila sa loob, wait susundan ko para malaman natin kung sa'ng account sya." agad na tumakbo si Kat at hindi na
sya napigilan ni argo.
"Marze wait! hay.. hindi ko na naman sya napigil. Anyway, Thank you marze!" sigaw ni argo sa mdeyo nakalayo ng kaibigan.
=================To be continued.==================


No comments: